Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino


Description:

Ang KOMFIL ay isang praktikal na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa kontekstwalisadong komunikasyon sa wikang Filipino ng mga mamamayang Pilipino sa kani-kanilang mga komunidad sa partiular, at sa buong lipunang Pilipino sa pangkalahatan. Nakatuon ang kursong ito sa makrokasanayang pakikinig at pagsasalita, gayundin sa kasanayan sa paggamit ng iba't-ibang tradisyonal at modernong midya na makabuluhan sa kontekstong Pilipino sa iba't ibang antas at larangan. 

Overview:

        Matutunan ng mga mag-aaral sa kursong ito na mailarawan ang mga gawing pangkomunikasyon ng mga Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan; maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika sa kontektwalisadong komunikasyon sa mga komunidad at sa buong bansa; matukoy ang mga pangunahing suliraning panlipunan sa mga komunidad at sa buong bansa; matukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at kapaki-pakinabang na sanggunian sa pananaliksik; makapagmungkahi ng mga solusyon sa mga pangunahing suliraning panlipunan sa mga komunidad at sa buong bansa, batay sa pananaliksik; at maipaliwanag ang mahigpit na ugnayan ng pagpapalakas ng wikang pambansa, pagpapatibay ng kolektibong identidad, at pambansang kaunlaran. 

Magkakaroon sila ng kasanayan na magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon sa lipunang Pilipino; makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyonal at modernong midyang akma sa kontekstong Pilipino; makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon at analisis na akma sa iba’t ibang konteksto; makagawa ng makabuluhan at mabisang materyales sa komunikasyon na akma sa iba’t ibang konteksto; at malinang ang Filipino bilang daluyan ng inter/multidisiplinaring diskurso na nakaugat sa mga realidad ng lipunang Pilipino. 

Magkakaroon ang mga estudyante ng kaisipan sa kahalagahan ng KOMFIL upang mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng pagpapahayag ng mga Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan; makapagbalangkas ng gabay etikal kaugnay ng paggamit ng iba’t ibang porma ng midya; maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa pakikipagpalitang-ideya; at makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang daluyan ng makabuluhan at mataas na antas ng diskurso na akma at nakaugat sa lipunang Pilipino, bilang lunsaran sa mas mabisang pakikipag-ugnayan sa mga mamamayan ng ibang bansa.

Read More:

Watch:
     by DepEd TV - Official [22:54] | YouTube

     by Aralin TV [9:34] | YouTube

      by Tessa Tan [1:43] | YouTube

      by TitserMJ TV [5:59] | YouTube

      by GMA Public Affairs [4:56] | YouTube

Topics:

WIKANG PAMBANSA BILANG GAWAING PANGKOMUNIKASYON AT DISKURSONG LOKAL AT NASYONAL

1. Ang Pagtataguyod ng Wikang Pambansa sa mas Mataas na Antas 
    ng Edukasyon at Lagpas Pa
a. Ang Pagtangkang Pagpasalang ng Commission on Higher Education 
            sa Asignaturang Filipino sa Kolehiyo
b. Pakikipaglaban ng Iba't Ibang Grupo para sa Asignaturang Filipino sa
            Kolehiyo
c. Kahalagahan ng Wikang Pambansa sa Pagbubuo ng Makabuluhang 
            Diskurso sa Iba't Ibang Larangan ng Komunikasyon at Pananaliksik

2. Pagproseso ng Impormasyon Para sa Komunikasyon
a. Pagpili ng Batis (Sources) ng Impormasyon
b. Pagbabasa at Pananaliksik ng Impormasyon
c. Pagbubuod at Pag-uugnay-ugnay ng Impormasyon
d. Pagbubuo ng Sariling Pagsusuri Batay sa Impormasyon

3. Mga Gawaing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino
a. Tsismisan
b. Umpukan
c. Talakayan
d. Pagbabahay-Bahay
e. Pulong-bayan
f. Komunikasyong Di Berbal
g. Mga Ekspresyong Lokal

4. Mga Napapanahong Isyung Lokal at Nasyonal
a. Korapsyon
b. Konsepto ng "Bayani"
c. Kalagayan ng Serbisyong Pabahay, Pangkalusugan,
            Transportasyon, at Edukasyon
d. Bagyo, Baha, Polusyon, Mabilis na Urbanisasyon, Malawakang
            Pag(ka)wasak ng/sa Kalikasan, at Climate Change
e. Kultural, Politikal, Lingguwistikong, Ekonomikong, Dislokasyon,
            Displacement, at Marhinalisasyon ng mga Lumad at Iba Pang
            Katutubong Pangkat at mga Pambansang Minorya
f. Mga Maralitang Tagalungsod (Urban Poor)
g. Manggagawang Kontraktwal
h. Pagsasaka at mga Magsasaka
i. Tindero/a, Tsuper ng Dyip, at Traysikel
j. Kabataang Manggagawa at Out-of-School Youth
k. Migrante sa Panahon ng Globalisasyon
l. Kahirapan, Malunutrisyon, (Kawalan ng) Seguridad sa Pagkain

WIKANG FILIPINO SA MAS MATAAS NA LEBEL NG KOMUNIKASYON: MGA SITWASYONG PANG-PILIPINO AT KONTEKSTONG FILIPINO

5. Mga Tiyak na Sitwasyong Pangkomunikasyon
a. Forum, Lektyur, at Seminar
b. Panayam o Interbyu
c. Worksyap (Workshop)
d. Symposium at Kumperensya
e. Roundtable at Small Group Discussion
f. Kondukta ng Pulong/Miting/Asembliya
g. Pasalitang Pag-uulat sa Maliit at Malaking Pangkat
h. Programa sa Radyo at Telebisyon
i. Video Conferencing
j. Komunikasyon sa Social Media


PDF Materials (E-Books):
(1) [TITLE]
by [Author(s)]
File Size: [## MB] | Page Count: [PP]

No comments:

Post a Comment